Thursday, September 27, 2007

Buhok at Ekonomiya




Makakamura. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan ng aking pagpapagupit. Maiksi lang naman yung ginupit pero maraming pwedeng maitulong sa pagtitipid partikular na sa aking badyet, at sa ekonomiya ng ating bansa sa kabuuan. Ilan sa mga bagay-bagay ay ang shampoo, oras sa pagsusuklay at paliligo, tubig, nutrients na mapupunta sa buhok imbis na sa katawan, at iba pa.

Subalit…

Hindi ko naisip na mas magastos pa pala yung maintenance ng isang taong maiksi ang buhok. Kwarenta kada semana! Whaaaa!!!!!

No comments:

Post a Comment